4-E. Class of Champions. One banner each.
Kay tagal kong naghintay,
Araw-araw nakatambay,
Sumisilip kung ika’y padating na.
‘Sang araw, ako’y sumuko na.
Yukayok ay bumalot sa akin.
Yamang hinahangad ay hindi rin dumating.
‘Sang araw habang ako’y nakadungaw sa bintana,
Sansinukuban ko’y tumigil.
Ani’y may nangyaring himala!
Kitang-kita sa aking bintana,
Kayamanang noon ay inakalang hindi katotohanan.
Ako’y nagmadaling tawagin ka
Sintang giniliw sa unang pagkakita.
Sakit na dinulot ng pagkayukayok ko’y
Yumao na dahil sa pagdating, ng
Kayamanang kay tagal kong hinintay.
—

Ang bisekleta ay isang klase ng transportasyon
Kung saan kailangan ng isang tao na magbalanse.
Kada tao sa kwarto na ‘to ay isang bisekleta
May sari-sariling paraan ng pagbalanse ng kanilang buhay
Halimbawa ay si JB.
Binabalanse niya ang kanyang buhay sa
Pagtatakbo sa kahit saan-saan,
Pag-aaral ng matindi hanggang umaga
At pinuno siya sa mga gawain sa Athc
Isang pang halimbawa ay si Darren
Medyo mataba siya pero may balanse pa rin siya
Kumakain siya nang kumakain
Pero binabalanse niya sa pamamagitan ng basketball.
Naglalaro siya ng basketball sa kanyang libreng oras
Kaya ‘di siya masyadong mataba.
Kaya sa klase natin ay kakaiba ang pagbabalanse ng ating mga sari-sariling buhay.
-Jian Clemente

Ang E2010 ay parang TUMBLR. Noong una, naninibago pa tayo sa site. Ibang-iba ang features at layout sa mga sites na atin nang nakasanayan: Friendster, Multiply, o Facebook. Ngunit nang nagtagal, tayo ay naaliw sa pag-reblog at pag-follow sa mga tao na ating mga kakilala. Hanggang umabot sa punto na tayo mismo ay nagpopost na ng mga sariling posts at finofollow din ng ibang tao. Ganitong-ganito ang ating klaseng 4E noong tayo ay nasa ikalawang taon hanggang ngayong ikaapat na taon at tayo ay magsisi-graduate na nang sama-sama. :)

Noong nakaraang Linggo, Araw ng mga Puso, nasaksihan ko ang pangyayaring ito na naganap doon sa malapit na Supermarket sa lugar namin. Sa isang mall yan, kumbaga. Pakulo nung Supermarket noong Araw ng mga Puso.
Napatigil talaga ako nung makita ko silang dalawa na nakangiti habang nakatingin sa isa’t-isa. Mas lalo pa akong natuwa nung makita kong sila pala ay kukunan ng litrato. Binigyan pa nung lalaki si babae ng bulaklak.
Ang sweet, hindi ba? Kahit pa ang tanda tanda na nila, nagagawa pa din nilang magpaka-sweet sa isa’t-isa. Nagawa pa ding magbigay ng bulaklak nung lalaki. Talagang hindi pa din siya nakakalimot na suyuin yung asawa niya kahit pa ganyan na ang mga buhok at mga balat nila.
Kinilig ako. Napangiti talaga ako. Nainggit ako.
Balang araw, sana, lahat tayo, maging kasing saya nila. :)
What! Nakita mo pala ako hindi mo man lang ako binati!
Balang araw. :”>










